Isasagawa ng Regional Civil Security Unit BAR katuwang ng Cotabato City PNP at ng opisina ni MP Jamel Macacua ang One Stop Shop para sa mga kukuha ng License to Own and Possess Firearms o LTOPF pati rin ang pagrerenew ng mga napaso nang lisensya ng mga baril.
Gagawin ang naturang caravan mula November 13 hanggang 15, 2024 sa Sardonyx Plaza, Governor Gutierrez Avenue sa lungsod ng Cotabato.
Para sa mga serbisyong ihahandog maging sa iba pang mga detalye, mangyaring makipagugnayan sa RCSU Team sa nimerong 09090152474 o kay Engineer Sadat Mua sa numerong 09951847469.