Hindi nakapalag sa ikinasang drug buy-bust operations ng PDEA-BARMM ang dalawang itinuturing na high value target gabi ng Biyernes sa Barangay Walled City sa Jolo Sulu.

Kinilala ni PDEA-RAMM Regional Director Gil Castro ang mga suspek na sina Tating Salim na residente sa nasabing bayan at si Sherwin Taib na taga bayan ng Lugus sa Sulu.

Nasamsam sa operasyon ang tatlong malalaking pakete ng suspected shabu na tinatayang nasa tatlong kilo ang timbang at aabutin ang halaga ng dalawamput-isang milyong piso.

Nakuha din sa mga suspek ang mga non drug evidences at ang perang ginamit sa mga ito bilang boodle money.

Sa ngayon, haharapin na ng mga suspek ang mga kaso na may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.