Harapin ang bagong taon na mga pananampalataya, yan ang naging hamon ni Rev. Father Simeon V. Samson Jr., DCC, ang koraparoko ng Holy Rosary Heights Parish dito sa lungsod ng Cotabato para sa darating na bagong taong 2025.

Sa naging mensahe ni Fr. Samson, sinabi nito na ang pagmamahalan at malasakit sa kapwa ang susi sa maunlad na pamayanan.

Aniya, kahit gaano kahirap ang dinanas ngayong taon ngunit bukas palad nating tinanggap ang hamon nitong taon at ating pang kakayaning muli sa darating na bagong taon.

Sa huli, nananalangin ang naturang pari ng isang masagana at nawa ay mapunan ng biyaya ang darating na bagong taon sa lahat lalong-lalo na sa mamamayan ng Bangsamoro sa BARMM.

Rev. Father Simeon V. Samson Jr., DCC