Naaresto ang isang 17-anyos na binata mula sa Kidapawan City ang matagumpay na naaresto ng Makilala Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 12 at Provincial Highway Patrol Team (PHPT) North Cotabato, sa koordinasyon ng Alamada MPS.

Ang pag-aresto ay isinagawa dakong alas-10:00 ng umaga noong Marso 7, 2025, sa Purok Kabukiran, Barangay Dado, Alamada, Cotabato.

Ang nasabing menor de edad ay inaresto sa bisa ng isang Warrant of Arrest para sa kasong panggagahasa, alinsunod sa Article 266 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 8354 at Republic Act 11648.

Mayroon itong Criminal Case Number CICL-KID-39-2024, na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 23, 12th Judicial Region sa Kidapawan City noong Nobyembre 8, 2024.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng Women and Children Protection Desk (WCPD) sa holding facility ng Makilala MPS ang naarestong suspek habang inaantay ang mga susunod na legal na proseso.