Nanawagan si Interim Chief Minister Abdulraof Sammy Gambar Macacua sa mga mamamayan ng Maguindanao del Norte na magkaisa at suportahan ang mga plano at programa ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan, sa pangunguna ni Governor-elect Datu Tucao Mastura.
Ginawa ni Macacua ang panawagan sa naging pagbisita ni Governor-elect Mastura sa kanyang tanggapan kamakailan.
Ayon kay CM Macacua, kanyang nasilip at napag-aralan na ang mga isinusulong na plano, hakbang, at programa ni Mastura para sa ikauunlad ng lalawigan.
Dagdag pa ni Macacua, katuwang ng bagong administrasyon ng Maguindanao del Norte ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa paghahatid ng makabuluhan at progresibong mga programa para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayan.