Himas-rehas na ngayon ang isang lalaki matapos arestuhin ng mga awtoridad mula sa Police Station 1 ng Cotabato City kahapon, Hunyo 3, dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang maaresto ang suspek na kinilalang si alyas Moh, isang laborer at residente ng Lushin Khan 2, Poblacion 1.

Inaresto si alyas Moh sa bahagi ng SK Pendatun Avenue, Poblacion 6 ng pinagsanib na puwersa ng Police Station 1 at iba pang law enforcement units, sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas noong Mayo 16.

Batay sa rekord, may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakatakda naman siyang iharap sa korte para sa pormal na paglilitis ng kanyang kaso.