Mas paiigtingin pa ng Ministry of Health–BARMM ang kanilang information dissemination drive kasunod ng isyu ng Monkeypox o MPOX na pumasok sa rehiyon kamakailan.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato, sinabi ni BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohd Asnin Pendatun na gagawin ng kanilang pamahalaan ang lahat upang mapalawak ang kaalaman ng mga Bangsamoro hinggil sa mga nakakahawang sakit, lalo na kung paano ito maiiwasan.
Plano na rin umano ng MOH na kumuha ng radio spots upang ipakalat ang tamang impormasyon sa publiko—mula sa sintomas, pag-iwas, hanggang sa tamang pag-asikaso kapag tinamaan ng sakit.
Dagdag pa ni Pendatun, ito ang sagot ng BARMM Government upang mapigilan ang pagkalat ng fake news at disimpormasyon na lalong nagpapalala ng takot sa mga mamamayan.