Hindi na nakapalag pa ang tatlong durugista matapos silang madakip ng mga operatiba ng PDEA-BARMM katuwang ang Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa ikinasang buy-bust operation dakong alas-10:30 ng gabi, sa Zone 4, Barangay Tamontaka, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa kuhang video ni Vice Mayor Datu Bobsteel Sinsuat, makikitang aktwal na inaresto ang tatlo, at nakumpiska sa kanila ang labing-isang (11) sachet ng hinihinalang shabu, dalawang (2) tooter, isang (1) replika ng baril, at ang ginamit na marked money o bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang tatlo pati na ang mga nakuhang ebidensya. Nakatakda na rin silang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.