Nauwi sa engkwentro ang dapat sana’y mahinahong operasyon ng mga pulis para arestuhin ang isang kilabot na murder suspect sa Barangay Malungun, Taraka, Lanao del Sur.

Batay sa ulat ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), nanlaban umano ang suspek habang hinuhuli ng mga operatiba, at nagpaputok pa ng baril. Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok, na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Isang pulis ang nasugatan sa engkwentro at kasalukuyan nang nagpapagaling sa isang pagamutan.

Pinuri naman ng pamunuan ng PRO-BAR ang katapangan at dedikasyon ng kanilang mga tauhan sa kabila ng panganib, at iginiit na patuloy nilang isusulong ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon, sa gitna ng mga pagsubok at banta ng karahasan.