Natagpuan na ang katawan ng 11-anyos na batang lalaki na nalunod sa Matampay River sa bahagi ng Poblacion 3, Cotabato City.

Ayon sa ulat bandang alas-10:04 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng bata. Kinilala ang biktima sa alyas na “Ejay,” residente ng Don E. Sero Street, RH 5 sa nasabing lungsod. Natagpuan ang kanyang katawan sa parehong bahagi ng ilog kung saan siya unang nahulog.

Batay sa ulat, naliligo lamang ang bata kasama ang kanyang kapatid nang bigla itong madulas at mahulog sa ilog, na nauwi sa trahedya.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko, lalo na ang mga magulang, na bantayang mabuti ang mga bata upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.