Case closed.

Yan ang sinabi ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa isang press conference ngayong hapon matapos kumanta si alyas Anna na hindi totoo ang claim nito na Gang Rape na ginawa sa Kalanganan 2 nitong siyudad kahapon.

Umamin si alyas Anna sa kanyang mga magulang maging sa pulisya na hindi totoo ang naunang napabalita na ginang rape ito ng (5) limang kalalakihan, ang payong payong na sinakyan nito maging ang itim na van na nag-aabang sa Timako Area.

Ayon sa alkalde, nagawa ito ng naturang bata upang magkaroon ng dahilan upang di na mag-aral at makapagtrabaho na agad.

Naiintindihan naman ni Matabalao na kapusukan ng bata ang umiral kung kaya’t nagawa nito ang kasinungalingan at gawa-gawang kwento.

Maaring makasuhan si Alyas Anna sa ginawa nitong perwisyo sa siyudad ngunit ayon kay Matabalao, hindi nya na ito gagawin sapagkat naiintindihan nito ang kagustuhan ni alyas Anna na makatulong sa pamilya ngunit ginawa nito ang maling pamamaraan.

Hinihintay naman ng pamilya ang resulta ng examinasyon sa ospital kay Alyas Anna.

Humingi naman ng paumahin ang kapatid ni alyas Anna sa lokal na pamahalaan at sa mga naapektuhan na indibidwal sa nasabing gawa-gawang kwento maging ang sinabi nito na pahayag sa isang himpilan ng radyo.