Kinansela ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang rehistrasyon at akreditasyon ng Moro Ako Party bilang Regional Parliamentary Political Party para sa 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections.
Batay sa 17-pahinang resolusyon na may petsang August 4, 2026, pinagbigyan ng COMELEC ang petisyong inihain ni Aladib A. Abdul upang ipawalang-bisa ang rehistrasyon ng partido dahil sa umano’y mga material defects at hindi makatotohanang pahayag sa kanilang isinumiteng aplikasyon at mga kalakip na dokumento, kabilang ang listahan ng mga chapter offices at addresses.
Dahil dito, ipinag-utos ng poll body ang pagkansela ng registration at accreditation ng Moro Ako Party bilang Regional Parliamentary Political Party para sa nalalapit na halalan sa Bangsamoro.

















