Naging matagumpay ang Cotabato Young Leaders Congress o CYLC na kinatampukan ng 100 na kabataan mula sa ibat-ibang unibersidad at kolehiyo sa lalawigan kahapon.
Iniabot naman ni Cotabato Governor Lala Taliño Mendoza ang papuri at pasasalamat nito sa mga partisipanteng sumali dahil sa pagbubukas nila ng oportunidad upang malinang pa ang kanilang kakayahan at potensyal bilang mga lider kabataan at lider estyudante ng kani-kanilang paaralan at mga komunidad.
Ginanap kahapon sa Carmen Eco-Tourism Park and Resort sa bayan ng Carmen ang nasabing aktibidad at ito ay dinaluhan ng mga natatanging personalidad sa lalawigan ng Cotabato.