Nakipagpulong ang Genç İHH sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee Chairman at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President na si Al Haj Murad Ebrahim bilang bahagi ng isinagawang Board of Directors Meeting ng organisasyon.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ng magkabilang panig ang papel ng youth wing ng İHH Humanitarian Relief Foundation sa pagsusulong ng youth development at mga programang makatao.

Pinag-usapan din ang mga posibleng hakbang upang higit pang mapalakas ang kooperasyon sa pagpapatupad ng mga inisyatibang magbibigay ng benepisyo sa mamamayan ng Republic of Türkiye at ng Bangsamoro.

Inaasahan namang magsisilbing daan ang naturang pag-uusap upang mapalawak pa ang ugnayan ng magkabilang panig sa larangan ng youth empowerment at humanitarian cooperation.