Nagsagawa ng isang Grand Kanduli for Peace and Unity ang mga kilalang lideres sa pulitika na miyembro ng Family Alliance sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Norte.
Inorganisa ito nina Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Lester at First Lady Bai Ainee Sinsuat upang magpasalamat sa naging desisyon ng Supreme Court kamakailan na naging dahilan sa di pagtuloy ng plebesito o paghahati ng bayan ng DOS.
Punong tagapagsalita naman sa nasabing Grand Kanduli si Former TESDA Secretary at Al-ittihad UKB President Teng Mangudadatu.
Dumalo naman sa pagtitipon sina SK Mayor Tucao Mastura, Maguindanao Del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura, Former Congressman Datu Ronnie Sinsuat, Former Vice Governor Datu Simbo Sinsuat at iba pa.