Patuloy na nakaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa BARMM Regional Weather Station.
Dahil dito, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan at posibleng pagkulog at pagkidlat sa buong rehiyon.
Nagbabala rin ang mga weather authorities sa posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makararanas ng malalakas na pag-ulan na may kasamang thunderstorms.
Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga naninirahan sa mabababang lugar, tabing-ilog, at bulubundukin, na manatiling alerto at sumubaybay sa mga susunod na abiso ng mga kinauukulang ahensya.

















