Umabot na sa kabuuang 2,023 ang naitalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hanggang alas-7 ng umaga nitong Miyerkules kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao.
Ayon sa PHIVOLCS, 528 sa mga aftershocks ang natukoy ang lokasyon habang 47 naman ang naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Batay sa datos, ang lakas ng mga naitalang pagyanig ay mula magnitude 1.3 hanggang 6.4.
Ang mga datos ay mula sa General Santos Seismic Station at Don Marcelino Seismic Station sa Davao Occidental.
Patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS ang aktibidad ng mga pagyanig sa rehiyon upang matukoy ang posibleng epekto at kasunod na seismic activity.

















