Isang lumang steel bridge o tulay na gawa sa bakal sa Iñigo Village, Matina Pangi Davao City ang nagcollapse habang patawid sana ang isang malaking cargo truck, hapon ng Sabado.

Natigil dahil sa insidente ang daloy ng trapiko at pahirapang makuha ang truck sa nasabing sira na tulay.

Wala namang nasaktan o nasawi dahil sa nangyaring pagkakabigay ng nasabing tulay habang iniimbestigahan ng traffic police kung bakit sa tulay na ito dumaan ang nasabing truck.