Nadagdagan pa ang mga nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ay matapos na mamatay dahil sa pagkalunod ang isang binata sa Prk. 8, Barangay Damalasag, Pagalungan, Maguindanao del Sur kahapon, araw ng Linggo, July 14, 2024.

Kinilala ang biktima na si Alimidin Manampan, 25 anyos, at residente ng nabnggit na lugar.

Ayon sa MDRRMO ng Pagalungan na sinubukang isalba ng binata ang kaniyang alagang baka ngunit nakasama siyang inanod ng rumaragasang tubig-baha.

Agad namang inilibing si Manampan alinsunod sa relihiyong Islam.