Patuloy na nakakaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao ang mga pulo-pulong pag-ulan na dulot ng Localized Thunderstorms.
Sa rehiyon ng BARMM, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.
Ayon sa ulat, maaari ring makaranas ng biglaang malalakas na buhos ng ulan sa ilang lugar na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga bulnerableng komunidad.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at mag-ingat sa posibleng epekto ng masamang panahon.

















