Ang pagguho ng mga gusali at ang walang tigil na rescue operation para sa mga biktima ng dalawang malalakas na lindol na tumama sa Venezuela noong nakaraang Linggo.
Batay sa pinakahuling ulat, umabot na sa mahigit 1,400 ang bilang ng mga nasawi. Inaasahan pang tataas ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang search, rescue, at clearing operations sa mga gusaling gumuho dahil sa malakas na pagyanig.
Patuloy namang nagsasagawa ng malawakang pagtugon ang mga awtoridad at mga rescue team upang mahanap at mailigtas ang mga posibleng nakaligtas na na-trap sa ilalim ng mga guho.

















