Tigok ang isang lalaki na miyembro ng LGBTQIA o ikatlong dimensyon matapos na mabaril ito sa kahabaan ng Barangay Mapayag, Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao Sur, gabi ng lunes.

Sa ulat ng kapulisan ng bayan, kinilala ang biktima na si Jeremiah Mangi y Montilla, 25 years old at residente ng Purok Magtekil, RH-7 Gonzalo Javier St. sa lungsod ng Cotabato.

Lumalabas sa imbestigasyon na angkas o backrider ang biktimang si Jeremiah sa sinasakyang motorsiklo at pauwi na sana ito sa kanilang pamamahay sa lungsod ng barilin ng di pa nakikilalang suspek pagsapit nito sa bahagi ng Barangay Mapayag sa bayan ng DAM.

Naisugod pa ang biktima sa Datu Odin District Hospital ang biktima ngunit dineklarang dead on arrival ang biktima at natagpuan naman sa pinangyarihanng krimen ang tatlong basyo ng bala na ginamit sa pamamaril.

Hindi na rin nakuha pa ang mga kagamitan ng biktima sa pinangyarihan tulad ng telepono nito.

Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon upang alamin ang motibo at suspek sa pamamaril sa naturang biktima.