Masaya ngunit masama ang loob ng mag-asawang MP Atty. Fahanie at Engr. Khomeini Oyod sa naging pagkakatuklas ng mastermind o utak sa pagnanakaw sa kanilang bahay sa Lungsod ng Cotabato nito lamang July 30, isang buwan na ang nakakaraan.

Kinilala ang utak sa pagnanakaw na si Cpl. Saddam Mustapha, PA na nakatalaga sa 6th Infantry Division at naging security escort ng babaeng miyembro ng parliamento.

Ayon kay MP Oyod, masaya sya at natugis agad ang mga ito ngunit malungkot sya sa nangyaring pang-aahas at pagtatraydor sa kanya ni Cpl. Mustapha.

Samantala, ang ilang kasamahan nito kabilang na ang dalawang sumuko sa autoridad ay ginamit ng lider bilang accessory o kasangkot sa naturang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa rin silang tinutugis ng mga pulisya.