Pormal na inilunsad ngayong Mayo 14, 2026 ang programang Small Arms and Light Weapons (SALW) Management sa Municipal Gymnasium ng South Upi bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas at mapayapang komunidad sa lalawigan.
Sa pangbungad na salita, binigyang-diin ni Mayor Helen Benito Padua ng South Upi ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa bayan.
Nagbigay rin ng suporta sina Dr. Aliuddin Haron, Head Secretariat ng MILF Joint Normalization Committee, at PCOL Michael John Mangahis, Provincial Director ng Maguindanao del Sur Provincial. Dumalo rin si BGEN Michael SAntos PA, Brigade Commander ng 603rd Brigade, Philippine Army, upang ipahayag ang suporta ng militar sa programa.
Sa closing message naman, nagbigay ng mensahe si Presidential Assistant David B. Diciano ang Head. Bangsamoro Transformation Cluster, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Tinalakay rin sa programa ang distribution of turned-in firearms at pamamahagi ng iba’t ibang tulong para sa mga benepisyaryo kabilang ang livelihood equipment, mga binhi o seeds para sa agrikultura, at sako-sakong bigas bilang suporta sa kanilang kabuhayan at pagbabagong-buhay sa komunidad.
Ang SALW program ay bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaan na mapalakas ang peace and order campaign at maiwasan ang armadong kaguluhan sa Bangsamoro region.
Nagtapos ang programa sa panawagan ng mga opisyal para sa patuloy na suporta at kooperasyon ng publiko tungo sa isang ligtas, maayos, at mapayapang South Upi.

















