Nilinaw ni UBJP Spoke person at Acting Secretary General Engr. Mohajirin Ali na isa sa mga naging dahilan ng pagkakatanggal kay Abdulraof Macacua bilang Chief of Staff ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay ang naging desisyon nitong tumakbo bilang independent candidate sa halip na gamitin ang nominasyon ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Ayon kay Eng. Ali, kasalukuyang miyembro pa rin ng UBJP si Macacua at siya rin ang nagsisilbing Chief of staff ng organisasyon nang magpasya itong tumakbo bilang independent candidate.
Anya, na batid umano ni Macacua na hindi siya inalis o pinalitan sa kanyang posisyon sa bilang Chief of Staff. Wala rin umano itong isinumiteng resignation letter upang pormal na kumalas sa organisasyon.

















