Ayon sa LTO, pagkatapos ng naturang petsa ay tuluyan nang ipatutupad ang umiiral na mga patakaran at multa para sa mga expired na dokumento na hindi pa naaayos.
Matatandaang pansamantalang pinalawig ang bisa ng driver’s license, conductor’s license, student-driver’s permit, at rehistro ng sasakyan, kasabay ng hindi muna pagpataw ng multa sa late renewal. Ito ay dahil sa ipinatupad na three-month validity extension ng ahensya.
Ipinaliwanag ng LTO na saklaw ng extension ang mga dokumentong nag-expire noong Abril o mga sumunod pang buwan, bunsod ng State of National Energy Emergency.
Muling iginiit ng ahensya ang panawagan sa publiko na huwag nang hintayin ang deadline upang maiwasan ang abala at posibleng multa.

















