Umabot na sa P210,943,694.46 ang kabuuang halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bunsod ng patuloy na masamang panahon, batay sa executive summary na inilahad ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) batay sa pinahuling tala kahapon, July 12.

‎Ayon sa ulat, 15 munisipalidad sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Special Geographic Area (SGA) ang naapektuhan, kung saan 97 barangay ang nakapagtala ng pinsala.

‎Nasa 6,785 magsasaka ang naapektuhan habang 5,093.48 ektarya ng mga sakahan ang naitalang lubhang napinsala.
‎Sa kabuuang halaga ng pinsala:

‎Palay: P120,341,836.46
‎Mais: P88,062,768.00
‎High Value Crops (gulay at prutas): P2,539,090.00

‎Kabilang sa mga naapektuhang pananim ang saging, niyog, pakwan, talong, kalabasa, munggo, gabi at iba pang gulay.

‎Patuloy naman ang isinasagawang validation at assessment ng MAFAR upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala at maihanda ang kinakailangang tulong para sa mga apektadong magsasaka.