Ipinadala na ng PNP Maritime Group ang mga tauhan nito bilang dagdag-puwersa sa seguridad para sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.
Isinagawa ang send-off ceremony para sa mga personnel na tutulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa panahon ng halalan.
Pangunahing tututukan ng mga tauhan ang pagbabantay sa mga katubigan, security patrol at iba pang law enforcement activities bilang suporta sa ligtas at maayos na pagsasagawa ng eleksyon.
Inatasan naman ang mga personnel na manatiling propesyonal, patas at alerto sa kanilang tungkulin, at mahigpit na sumunod sa mga batas sa halalan at mga patakaran ng PNP.
Layunin ng deployment na maprotektahan ang mga botante, election personnel at iba pang katuwang sa halalan, habang sinisiguro ang mapayapa at maayos na proseso ng pagboto.
Bahagi ito ng mas pinaigting na paghahanda ng mga security forces para sa unang parliamentary elections ng BARMM sa Setyembre 14.

















