NAGLABAS ng panibagong General Orders ang Philippine National Police na nagtatakda ng ilang acting positions sa iba’t ibang key units ng organisasyon, epektibo noong Abril 30, 2026.
Batay sa General Orders Number NHQ-GO-DES-2026-2294, itinalaga si Police Brigadier General Jaysen Carpio De Guzman bilang Acting Director for Personnel and Records Management ng PNP.
Itinalaga rin si Police Brigadier General Manuel Javier Abrugena bilang Acting Director ng Headquarters Support Service ng PNP.
Samantala, si Police Brigadier General Christopher Marcial Abecia naman ang itinalagang Acting Regional Director ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region.
Ang naturang mga designasyon ay isinagawa sa ilalim ng direktiba ni Police General Nartatez Jr., bilang bahagi ng patuloy na reorganisasyon sa hanay ng PNP.
Kaugnay nito, pormal nang tinanggap ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region si PBGEN Christopher M. Abecia bilang bagong Acting Regional Director, kasabay ng mainit na pagtanggap ng mga opisyal at tauhan ng PRO BAR na nagpahayag ng buong suporta sa kanyang pamumuno.

















