Maaaring makaranasa ang mga motorista ng rollback o price hike sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw, Hunyo 30, kasunod ng pagkalma ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Batay sa itinakdang permitted range of price adjustments ng Department of Energy (DOE) ngayong linggo, maaaring magbago ang presyo ng mga produktong petrolyo sa sumusunod na antas:

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, unti-unti nang humuhupa ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kumpara sa malalaking pagbabago na naitala noong kasagsagan ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Umaasa rin ang kalihim na magpapatuloy ang unti-unting pagbaba ng presyo hanggang sa maabot muli ang antas bago sumiklab ang digmaan sa rehiyon.

Nilinaw ng DOE na magkakaiba ang magiging aktuwal na price adjustment ng bawat kumpanya ng langis dahil nakabatay ito sa presyo ng kanilang pinagkukunan ng suplay, gastos sa transportasyon, insurance, at iba pang operating costs.

Ipatutupad mamayang ala-6 ng umaga ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.