Matinding pagdadalamhati ang kinakaharap ngayon ng Argentine footballer na si Lucas Trejo matapos makumpirmang nasawi ang kanyang asawa at dalawa nilang anak sa mapaminsalang lindol na tumama sa Venezuela.

Ayon sa mga ulat, natagpuan ang mga labi ng kanyang mag-iina sa ilalim ng gumuhong gusali, makalipas ang halos 74 na oras ng masinsinang search and rescue operation.

Matinding pinsala ang naidulot ng dalawang malalakas na lindol na may lakas na magnitude 7.2 at 7.5 na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Venezuela noong June 24, 2026. Dahil dito, gumuho ang ilang gusali at marami ang nasawi at naapektuhan.

Sa kabila ng ilang araw na pag-asang matagpuan pa silang buhay, nauwi sa malungkot na pagtatapos ang paghahanap ni Trejo sa kanyang pamilya matapos makumpirmang pumanaw ang kanyang asawa na si Yanina Maranella at kanilang mga anak na sina Aarón at Ainhoa.

Patuloy namang nakikiramay ang komunidad ng football at mga tagasuporta sa footballer sa gitna ng isa sa pinakamabigat na pagsubok sa kanyang buhay.