Matapos ang mga hakahaka at matagal na pag-aabang, nitong araw ng Sabado, September 28 inanunsyo ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang mga lokal nitong kandidato para sa halalan sa susunod na taon sa rehiyon.

Sa inilabas ng UBJP, sinabi nito aniya na pagkakataon nang makilala ang mga pambato ng partido na aniya ay magtataguyod ng pagbabago at kaunlaran sa komunidad tungo sa pagsulong ng isang matatag, makatarungan at progresibong Bangsamoro.

Ginanap ang naturang pagtitipon sa SKCC, sa Bangsamoro Government Center dito sa lungsod ng Cotabato nitong Sabado.

Tanging mga kandidato at mga imbitadong bisita lamang ang makakapasok sa lugar.