Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing o ROCBDC na drug-cleared ang 11 barangay mula sa South Ubian at Turtle Island sa Tawi-Tawi.
Isinagawa ang deliberation noong Agosto 20, 2026, sa pangunguna ni Regional Director Edgar T. Jubay, gamit ang hybrid setup o kombinasyon ng face-to-face at Zoom conference.
Kasabay nito, pinanatili ang drug-cleared status ng tatlong barangay mula sa Cotabato City at Parang, Maguindanao del Norte.
Batay sa resolusyon ng komite, kabilang din sa tinalakay ang 479 barangay na may Certified No Active Drug Personalities o CNADP, 155 CNADP drug-free barangay, at limang barangay na may Certified Inventory Drug Personalities o CIDP.
Ginabayan ang deliberasyon ng mga pamantayan ng Dangerous Drugs Board Regulation No. 4, Series of 2021, para sa validation, deklarasyon at pagpapanatili ng drug-cleared status.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng MILG, PNP BAR, Ministry of Health at Provincial Local Government Units.
Binigyang-diin ng komite na ang drug-cleared status ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na monitoring, dokumentasyon, partisipasyon ng komunidad at koordinasyon ng mga ahensya.

















