Umabot na sa 15 rehiyonal na political party at 28 sectoral organizations ang nakapaghain ng Manifestation of Intent to Participate sa Commission on Elections o COMELEC–BARMM Regional Office ngayong huling araw ng filing.
Kabilang sa mga rehiyonal na partidong nag-file ang Bangsamoro Party, United Bangsamoro Justice Party, Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party, at Bangsamoro Peoples Democratic Party.
Nasa listahan din ang BEST Party, Progresibong Bangsamoro Party, Bangsamoro Peoples Party, at Mahardika.Kasama rin ang Bangsamoro Federalist Party, BARMM Grand Coalition, Al Ittihad–Ungaya sa Kawagib nu Bangsamoro, at Moro Ako Party.
Nakapagpasa rin ng kanilang intensyon ang Peoples Consultative o Mushawara Party, Partido Bangon Bangsamoro, at Indigenous, Settlers, Sama and Minorities Alliance o ISAMA Party.
Samantala, kabilang sa mga sectoral organizations na naghain ay ang Royal Sultanate of Langkong, Christian Settler for Peace, at Settler Organization for Peace and Development.
Kasama rin ang Iranun Sultanates League of the Philippines at iba’t ibang sectoral wings ng United Bangsamoro Justice Party tulad ng women, settler communities, traditional leaders, ulama, at youth.Nakapag-file din ang iba’t ibang samahan ng mga tradisyunal na lider at royal houses kabilang ang Royal Descendants Association at ilang sultanate groups mula sa iba’t ibang lugar sa Bangsamoro.
Kabilang din sa listahan ang mga sectoral groups ng BARMM Grand Coalition at Bangsamoro Federalist Party na kumakatawan sa kababaihan, ulama, kabataan, at iba pang sektor.
Kasama rin ang Dungon Traditional Leaders Organization, League of Bangsamoro Islamic Association, at Tawi-Tawi Provincial Women’s Council Incorporated sa mga naghain ng kanilang manifestation.
Ito na ang itinuturing na pinal na bilang ng mga partidong pulitikal at sectoral organizations na lalahok sa kauna-unahang regular na BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 2026.

















