Dalawang estudyante ang nasawi sa naganap na insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School sa Barangay Lunzuran, Zamboanga City, bandang alas-7:50 ng umaga nitong Agosto 18, 2026.

Batay sa paunang ulat ng Police Regional Office 9, isang Grade 9 na estudyante ang umano’y nagpaputok ng baril sa loob ng isang silid-aralan sa ikaapat na palapag ng paaralan.

Kinilala ang suspek na si Mohammad, habang ang isa sa mga nasawi ay kinilalang si Patrick, isang Grade 10 na estudyante.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nakapasok umano sa loob ng paaralan ang suspek na may dalang isang pistola at isang riple bago naganap ang pamamaril.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung paano naipasok sa paaralan ang mga armas, kung sino ang mga may-ari ng mga ito, at kung may mga pagkukulang sa umiiral na seguridad ng paaralan.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang iba’t ibang yunit ng pulisya, kabilang ang Regional Forensic Unit 9, Criminal Investigation and Detection Group, at Zamboanga City Police Office upang matukoy ang lahat ng detalye ng insidente.