Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG para sa walong pasaherong nawawala matapos ang insidente sa M/V June Aster noong Setyembre 9 sa karagatan at baybayin ng Calanhayaun Island, Barangay Tara, Coron, Palawan.

Nagsasagawa ng maritime at foot patrol ang mga tauhan ng Coast Guard District Palawan sa paligid ng lugar, kasabay ng shoreline monitoring at coastal monitoring patrol.
Nag-deploy din ang PCG ng mga rubber boat at HSRB-011 para sa search and rescue operations, habang ginagamit ang mga drone para sa aerial surveillance sa coastal at kalapit na mga lugar.

Samantala, walang nakitang visible oil sheen sa lugar na minonitor ng mga awtoridad.
Patuloy naman ang operasyon ng PCG hanggang sa makumpleto ang kinakailangang search and rescue activities para sa walong nawawalang pasahero.


















