Isang bangkay ng lalaki na hindi pa nakikilala ang nadiskubre ng mga residente sa loob ng isang drum sa Barangay Malala, Datu Paglas nitong Sabado ng umaga, Oktubre 4, 2025.
Ayon sa ulat, napansin ng mga residente ang naturang drum na kahina-hinala kaya agad nilang ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay at sa Datu Paglas Municipal Police Station. Nang inspeksyunin, tumambad ang bangkay na nakabalot sa tolda at nakagapos.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ang posibleng motibo sa likod ng insidente.