Binuksan na sa mga pasahero ang tinaguriang Peoples Lounge sa Awang Airport, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Norte.

Ginanap ang turn over ng proyekto ng Ministry of Transportation and Communications Bangsamoro Airport Authority (MOTC BAA) sa management ng paliparan nito lamang Martes, Agosto 27.

Pinondohan ni MP Baintan Ampatuan sa ilalim ng kanyang TDIF o Transition Development Impact Fund ang nasabing proyekto ng 4,455,000.00.

Ang ribbon cutting ng proyekto ay pinangunahan ni MP at MOTC Minister Atty. Paisalin Tago, MP Baintan Ampatuan at MP Omar Yasser Sema.

Layunin ng Peoples Lounge na magkaroon ng komportableng lugar ang mga pasahero habang sila ay nagaabang ng kanilang paglipad o byahe.