Naglabas ng pinakabagong update ang Cotabato City Police Office (CCPO) kaugnay sa imbestigasyon ng naganap na pamamaril sa kahabaan ng Jose Lim Street, Barangay Poblacion 5, Cotabato City noong Hulyo 12.
Batay sa nagpapatuloy na imbestigasyon, pagsusuri sa CCTV footage, mga panayam sa mga saksi, at iba pang nakalap na ebidensya, lumalabas na isang police officer ang pangunahing target ng pamamaril.
Sa imbestigasyon, napag-alaman din na si alyas “Bas”, na kalauna’y nasawi, at si alyas “Yuss”, isang menor de edad na nagtamo ng tama ng bala, ay hindi umano target ng mga suspek at tinamaan lamang ng ligaw na bala habang nagaganap ang insidente.
Ayon sa CCPO, personal na alitan ang isa sa mga tinitingnang motibo sa pamamaril. Patuloy na kinikilala at bineberipika ng mga awtoridad ang person of interest na posibleng may kaugnayan sa krimen.
Mas pinaigting na rin ng CCPO ang kanilang intelligence at follow-up operations upang matukoy, matunton, at maaresto ang mga responsable. Patuloy ding nangangalap ng karagdagang ebidensya at kinukumpirma ang mga pahayag ng mga testigo upang makabuo ng sapat na basehan sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot.uspek na tumakas patungo sa bahagi ng supermarket.

















