Nakapaghain na ng kaniyang kandidatura ang singer songwriter, abogado at dating PAGCOR official na si Jimmy Bondoc bilang senador sa Tent City, Manila Hotel.

Kasama ni Bondoc ang mga kapartido nito na sina PDP President at Senador Robinhood Padilla at PDP VP for NCR at sexy actress Ms. Vivian Velez.

Isusulong ni Bondoc ang pagkakapantay pantay ng mamamayan sa batas at sa pangunahing pangangailangan kung makakalusot ito sa senado.