Sa kulungan na magpapasko ang isang lalaki na kinilalang si alyas Camaro matapos na mapagbentahan nito ng iligal na armas ang isang ahente ng kapulisang nagpanggap na poseur buyer.

Sa pangunguna ng CIDG RFU Bangsamoro Autonomous Region kasama ang iba pang mga yunit ng kapulisan, ikinasa at plinano nito ang isang buy-bust laban sa iligal na pagbebenta ng armas at bala sa Sitio Sarmiento, Langkong sa bayan ng Matanog sa Maguindanao Del Norte.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 5.56mm rifle, magasin at mga bala nito.

Nasa kustodya na ng pulis ang suspek at nakatakda itong sampahan ng kaso sa hukuman.