Nasabat ng magkatuwang na pwersa ng PDEA-BARMM at ng kapulisan ng Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao del Sur ang tangkang pagpuslit ng tinatayang aabot sa 50 na gramo ng Shabu patungong Barangay Nunangan sa nasabing bayan.
Ang pagkakasabat ay ginawa ng Barangay Anti Drug Abuse Council ng Nunangan nitong nakaraang Biyernes at nahuli ang nagtangkang magpuslit nito na kinilalang si Kenny Boy Canasa alyas Taba at residente ng bayan ng Padada Davao del Sur.
Nakumpiska kay alyas Taba ang 50 na gramo ng Shabu na may halaga na 340,000 at mga identification cards.
Iniharap naman kay Vice Governor Nath Midtimbang ang suspek sa opisina nito. Nasa kustodiya na ng PDEA BARMM ang nasabing suspek at mahaharap sa paglabag sa RA9165.