Kinumpirma ni US President Donald Trump na nakipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Amerika sa mga mediator na tumutulong para matigil ang kaguluhan sa Iran.

Ayon kay Trump, kabilang sa mga mediator ang mga kinatawan mula sa Qatar, ngunit hindi na niya ibinahagi ang mga detalye ng kanilang naging pag-uusap.

Samantala, nakatakdang makipagpulong sa mga mediator si Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa kanyang pagpunta sa New York.

Kabilang sa inaasahang pag-uusapan ang posibleng tuluyang pagtigil ng kaguluhan at ang pagbubukas muli ng Strait of Hormuz.

Sa kabila nito, patuloy na iginiit ni Trump na mananalo ang Estados Unidos sa kanilang digmaan laban sa Iran.