APEKTADO na ng African Swine Fever (ASF) ang apat na bayan sa probinsya ng Cotabato na kinabibilangan ng Antipas, Makilala, President Roxas, at Pigcawayan.

Labing-isang mga barangay sa nasabing apat na bayan ang pinasok na ng ASF.

Mahigpit namang pinaalalahanan ni Cotabato Province Gov. Emmylou Mendoza, ang bawat kooperasyon ng mga bayang kanyang nasasakupan at hiniling din nito na magtulungan upang tuluyang mapuksa at maiwasan ang pagkalat pa ng virus na dala ng ASF.