Isang babaeng negosyante ang nasawi matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay San Isidro, lungsod ng Koronadal.

Kinilala ang biktima bilang si Myla Lazaga Chavez, isang kilalang negosyante sa lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon, bibili lamang sana si Chavez sa isang tindahan nang bigla itong pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo o tinaguriang “riding-in-tandem.”

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang alamin ang motibo sa krimen at tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa pamamaril.

Photo for illustration only.