Pormal nang iprinoklama kamakalawa ng gabi ang mga bagong halal na opisyales sa probinsya ng North Cotabato.
Ikalawang termino ang matatanggap na mandato ni Governor-Elect Emmylou Lala Taliño- Mendoza habang nahalal naman bilang Vice Governor-Elect ang pamangkin nito na si Ella Taray.
Si Vice Governor Elect Taray ang maituturing na pinakabatang bise gobernadora sa kasaysayan ng lalawigan sa idad na 27 anyos.
Itinaas ang kamay ng mga ito sa isinagawang proklamasyon sa SP Gallery Hall sa lungsod ng Kidapawan.
Naiproklama na din kasabay ng mag tiyahin ang mga nanalong kongresista at mga bokal o board members ng naturang probinsya kagabi.