Dumalo ang delegasyon ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI), sa pangunguna ni Chairperson Mohamad Omar Pasigan kasama sina Board of Governors Datu Habib Ambolodto at Manan Baraguir, sa 40th Trade Expo Indonesia (TEI) 2025 na ginanap sa Nusantara Hall, ICE BSD City, Tangerang Regency, Banten, Indonesia.

Ang naturang expo ay pinangunahan ng Directorate General of National Export Development sa ilalim ng Ministry of Trade ng Republika ng Indonesia, at tampok dito ang mga nangungunang produktong pang-eksport at oportunidad sa pamumuhunan ng bansa.

Katuwang ng delegasyon ng BBOI sa nasabing aktibidad ang Indonesian Consulate sa Davao City, sa pamumuno ni Consul for Economic Affairs Ms. Novita Supit.

Ipinakita ng pagdalo ng BBOI ang kanilang patuloy na pangako sa pagpapalakas ng ugnayang pangkalakalan sa rehiyon, pagsusulong ng potensyal ng Bangsamoro sa pamumuhunan, at paghahanap ng mga bagong katuwang sa negosyo mula sa mga kalapit-bansa sa ASEAN.

All photo credits to: Bangsamoro Board of Investments