Muling ipinagpatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) Diving Team ang kanilang retrieval operations kaninang alas-7:46 ng umaga at matagumpay na narekober ang limang bangkay mula sa unang palapag o portside economy accommodation ng isang barko.
Ayon sa PCG, agad na isinailalim sa wastong pag-secure ang mga labi sa tulong ng support team bago ito inilipat sa MRRV-9702 para dalhin sa Zamboanga City para sa tamang disposisyon at pagkilala.
Patuloy pa rin ang retrieval operations ng Philippine Coast Guard habang sinisiyasat ang loob ng nasabing sasakyang-dagat upang matiyak kung may iba pang biktimang maaaring matagpuan.

















