Nagpatuloy ang Cotabato City Traffic Management Center (CTTMC) ngayong Martes, July 21, sa pagpapatupad ng operasyon laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko, kabilang ang mga motorsiklong gumagamit ng improvised o open pipe mufflers.

Ayon sa CTTMC, ilang motorsiklo na may ipinagbabawal na open pipe mufflers ang naimpound sa kanilang tanggapan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga paglabag sa traffic regulations.

Muli ring nanawagan ang CTTMC sa mga motorista na sumunod sa umiiral na batas-trapiko upang maiwasan ang pagkakahuli at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan.

Kinilala rin ng ahensya ang mga puna at batikos na natatanggap ng kanilang mga tauhan, ngunit iginiit nitong bahagi lamang ng kanilang tungkulin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa at batas-trapiko sa lungsod.