Arestado ang dalawang Indian national ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos silang makuhanan ng tinatayang 2 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php233.2 milyon sa isang buy-bust operation sa Villa de Calamba, Brgy. La Mesa, bandang alas-2:30 ng madaling araw, Sabado, Pebrero 21, 2026.
Ayon sa PDEA, ang nasabing cocaine ay nakabalot sa brown paper bag at balak sanang ipagbili kasama ang karagdagang 42 kilo na nakalagay sa karton box, na kasalukuyang subject ng imbestigasyon sa illegal possession.
Dadagdagan pa ang kaso laban sa mga suspek sa ilalim ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang PDEA sa kanilang operasyon laban sa iligal na droga sa buong rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

















